Primer

Ika-15 Dangal ng UST


Panimulang Aklat
                
         Ang Dangal ng UST Awards ay nagpaparangal sa mga guro ng UST na nakagawa ng mga katangi-tanging ambag sa pagtatamo ng misyon at pananaw ng pamantasan sa pamamagitan ng kanilang huwarang gawain sa pagtuturo, pananaliksik at paglilingkod sa komunidad. Ang taunang okasyong ito ay isinasagawa ng UST at UST Faculty Union.


I.  Mga Kategorya


A.      Parangal sa Paglilingkod:

Gawad Benavides: Para sa mga guro na naglilingkod na hindi bababa sa dalawampung taon sa pamantasan at sa bawat limang taong pagkaraan.

B.      Espesyal na Parangal:

Gawad Santo Tomas: Para sa pinakamahusay na guro / propesor, kawaksing propesor, katuwang na propesor, instruktor at guro sa mataas na paaralan. Ang pagkilalang ito ay   iginagawad tuwing 2 taon sa mga tenured na guro na nagpamalas ng kahusayan, katapatan at kawanggawa sa pagkakaloob ng pinakamahusay na kalidad ng Tomasinong edukasyon na nakabatay sa kanyang competence evaluation na sakop sa panahon ng paghahanap ng pararangalan.

Ang paghahanap sa pinakamahusay na guro ay kinapapalooban ng mga ss. na hakbang:

Hakbang 1: Ang Komite ng Dangal kasama ang OVRAA ang siyang aalam sa pinakamataas na marka (rating) sa pagtuturo sa panahong sakop ng pagsasaliksik. Ang mga nominado ay pagsusumitihin ng kumpletong Gawad Santo Tomas nomination form na sumasaklaw sa kanilang inobasyon sa pagtuturo, mga gawaing co-kurikular, pananaliksik at publikasyon at pakikilahok sa mga sibiko at gawaing pangkomunidad sa huling apat na taon. Kopya ng mga dokumentong isinumite sa opisina ng OFED ay maaaring ikunsidera.

Hakbang 2: Ang preliminaryong lupon ng mga hurado ay magsasagawa ng imbestigasyon sa karakter  at pinagmulan ng nominado.

Hakbang 3: Ang pinal na lupon ng mga hurado ay mamarkahan ang bawat mga nominado batay sa personal na panayam at pakitang-turo. Sa kabilang banda, maaaring WALANG tanghaling nagwagi mula sa mga kandidato sa partikular na kategorya kung wala namang nakapasa o nakaabot sa pamantayan.

Gawad San Martin De Porres: Para sa pinakamahusay na guidance counselor, ang pagkilalang ito ay ibinibigay kada 2 taon sa isang tenured na guidance counselor na nakapagtamo ng pinakamataas na marka sa performans sa panahon ng paghahanap ng pararangalan.

Gawad San Raymond Penafort: Para sa pinakamahusay na librarian, ang parangal na ito ay ibinibigay kada 2 taon sa isang tenured na librarian na nakapagtamo ng pinakamataas na marka sa performans sa panahong ng paghahanap ng pararangalan.

Gawad San Alberto Magno: Para sa pinakamahusay na pananaliksik, imbensyon o inobasyong teknolohikal at malikhaing obra. Ang minimum na grado para sa kategoryang ito ay dapat na 85%. Ang mga kategorya sa parangal na ito ay ang mga ss:

            i.  Pinakamahusay na Mananaliksik
-          Agham at Teknolohiya
-          Agham Panlipunan at Edukasyon
-          Pagnenegosyo at Pamamahala
-          Agham Pangkalusugan
-          Humanidades at Pangkultural na Pag-aaral
-          Sagradong Agham

                  ii.  Pinakamahusay na Imbensyon

                   iii. Pinakamahusay na Nailathalang Pananaliksik
-          Agham at Teknolohiya
-          Agham Panlipunan at Edukasyon
-          Pagnenegosyo at Pamamahala
-          Agham Pangkalusugan
-          Humanidades at Pangkultural na Pag-aaral
-          Sagradong Agham

                iv. Pinamahusay na Alagad ng Sining
-          Sining Biswal
-          Sining ng Pagtatanghal
-          Sining ng Panitikan
-          Arkitektural / Obrang Inhinyero
-          Sining ng Pagluluto

·                v. Pinakamahusay na Likha / Artistikong Obra
-          Sining Biswal (pagpipinta, pelikula, komposisyong musical, dokumentaryo
-          Sining ng Pagtatanghal (konsyerto , recital)
-          Akdang Pampanitikan
-          Arkitektural / Gawang Pang-inhinyero

·               vi.  Pinakamahusay na Aklat

Gawad Santo Domingo:  Ipinagkakaloob sa pinakamahusay na guro sa larang ng paglilingkod sa komunidad para sa kanyang pambihirang kawanggawa at diwa ng boluntaryonismo sa paghahatid ng mga programang pangkomunidad at sa pagtataguyod ng mabuting hangarin.

·         i. Pinakamahusay na Programa / Proyektong Pangkomunidadunidad: Ito ay para sa programang pagpapaunlad ng komunidad, itinatag at ginampanan ng guro / samahan ng mga guro,  nakapag-ambag ng lubhang mahalaga sa kapakanan ng komunidad; ito’y dapat pasimulan at isakatuparan ng guro; di dapat bahagi ng anumang kurso o pangangailangang kurikulum; dapat walang anumang tulong pinansyal mula sa UST; at kinakailangang naisagawa sa panahong sakop ng parangal.

·    Parangal na Hall of Fame: Para sa gurong nakatanggap ng tatlong Dangal na parangal, di kasama ang Gawad Benavides at San Lorenzo Ruiz.


II.  Katangiang Angkop (Eligibility)

Ang Gawad Santo Tomas at Gawad Benavides na parangal ay bukas sa lahat ng fultaym (nagtuturo nang hindi bababa sa labing-limang yunit o katumbas nito) tenured na guro na tanging nagtuturo sa UST. Ang Gawad San Alberto Magno at Gawad Santo Domingo na parangal ay bukas sa lahat ng bagong guro na tanging nagtuturo sa UST.

·                                Hindi angkop sa mga nabanggit na parangal ay ang mga guro na
   -          Nakabakasyon sa panahon ng nominasyon
   -          Kasapi ng organizing at screening komite (liban para sa Gawad Benavides)
   -          Nagtuturo sa ibang pamantasan
   -          May nakabinbing kasong administrabo, sibil o kriminal na laban sa kanila; at
   -         Nasuspinde; mahigpit na naparusahan dahil sa paglabag sa patakaran at
         panuntunang administratibo.


III. Pamantayan sa Pagpili

GAWAD SANTO TOMAS

                         - Credentials                                               40%
                         - Pakitang Turo                                           30%
                         - Panayam ng Lupon (panel interview)          30%

GAWAD SAN ALBERTO MAGNO

    i.  Pinakamahusay na Mananaliksik

              - Bilang ng Publikasyon (artikulo sa dyornal / aklat)                                 40%
              - Presentasyon sa mga Komperensiya                                                       20%
              - Research Grant na natanggap mula sa mga Ahensiyang Labas ng UST    15%
              - Pagsapi at fellowship sa mga Propesyunal na Organisasyon                   10%
              - Eksternal na Parangal / Premyo / Patent                                               10%
              - Superbisyon sa mga gradwado at di-gradwadong tesis                            5%

    ii.  Pinakamahusay na Nalathalang Panananaliksik

Ang nagawang pananaliksik ay nararapat na nailathala o natanggap para mailathala sa isang ISI na dyornal. Ang petsa ng pagkakalathala ay nararapat na sakop kung kailan ang fakulti ay pararangalan. Ang pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik ay nararapat na ginawa sa UST. Kung ang publikasyon naman ay binubuo ng 2 o higit pang awtor, ang pararangalan ay nararapat na ang pangunahin o ang punong awtor. Impact factor ang magiging batayan sa kalidad ng dyornal na pinaglathalaan ng kanyang pananaliksik.

   iii.  Pinakamahusay na Imbensyon
-          Patent awarded                                  50%
-          Impact sa Lipunan                               30%
-          Kapakinabangan / Produksyon            20%

        iv.  Pinamahusay na Alagad ng Sining
-          Bilang ng Nalathalang Gawa / Naipalabas / Naidisenyo            30%
-          Bilang ng mga Eksibit / mga Presentasyon /                                 
Pagpapalabas sa mga Pampublikong Pagtitipon                        10%                       
-          Pondong natanggap sa labas ng Unibersidad (eksternal)         10%
-          Pagsapi / Fellowship sa mga Porpesyunal na Samahan              5%
-          Eksternal na mga Parangal / mga Pagkilala                               40%
-          Mentoring                                                                                 5%

     v. Pinakamahusay na Gawang / Likhang Sining
- Kalidad ng Gawa at Orihinalidad                             30%
- Kritikal na Pagsusuri                                               30%
- Mga Natamong Parangal o Pagkilala                        30%
- Adapsyon o Pagtanggap                                         10%

    vi. Pinakamahusay na Aklat
       Ang aklat ay nararapat na bunga ng sariling pananaliksik at publikasyon ng fakulting pararangalan. At ang aklat ay nararapat na buo at kumpletong nailathala. Kung higit sa 2 ang awtor, nararapat na siya ang pangunahin o ang pinuno. Ang petsa ng publikasyon ay nakasakop sa taon ng parangal. (Ang teksbuk ay hindi kabilang sa parangal na ito.)
           -     Kritikal na pagsusuri               30%
-          Kabuluhan / Nilalaman            20%
-          Impact                                    15%
-          Orihinalidad                            15%
-          Literaryong Merito                 10%
-          Sirkulasyon / Diseminasyon    10%

GAWAD STO. DOMINGO

·         Kategorya para sa Pinakamahusay na Miyembro ng Fakulti

Para sa pinaka-natatanging akto ng pagtulong at bolunterismo sa serbisyong pangkomunidad at promosyon ng kabutihan (goodwill).

-          Kaligiran ng Paglahok sa Komuninad                                   20%
-          Kasanayan sa Pamumuno at Pag-oorganisa                         20%
-          Kalidad ng Oras na Inilalalaan sa Komunidad                       20%
-          Makabuluhang Kontribusyon sa Komunidad                        20%
-          Pagkikilalang Natanggap Mula sa Labas ng Unibersidad       20%

Pinakamahusay na Programa o Proyekto
Ang pinakamahusay na programa o proyektong pangkomunidad ay nararapat na  pinangunahan at isinagawa ng fakulti; hindi bahagi ng anumang pangangailangang pangkurso o bahagi ng kurikulum at naisagawa sa taon ng parangal.
       -          Pangangailangan ng komunidad                  25%
       -          Impact at benepisyo ng komunidad           25%
       -         Inobasyon                                                   25%
       -          Pananatili (sustainability)                          25%

GAWAD BENAVIDES

                Ang miyembro ng fakulti at nakapaglingkod na sa Unibersidad ng hindi bababa sa 20 taon bilang fultaym. Ang bilang ng taon ng kanyang serbisyo ay magsisimula sa unang taon ng kanyang panunungkulan. Ang mga personal na leave ay ibabawas mula sa kabuuang taon ng panunungkulan.


IV.  Hakbang sa Pakikilahok

a.  Ang primer at form sa nominasyon ay makikita sa UST website. Maaaring makakuha ng mga form mula sa mga tanggapan ng USTFU, OVRAA, Dekana ng Kolehiyo o sa mga samahan ng Faculty Clubs.

Ang nominasyon ay maaaring isagawa ng mga sumusunod: ang dekana, pangalawang dekana, puno ng departamento, mga direktor, faculty council, pangulo ng faculty club, co-faculty. Hindi maaaring i-nomina ang sarili.

B.  Kumpletuhin ang nomination form
·         Magpasa ng 3 kopya ng mga sumusunod sa tanggapan ng USTFU bago o sa araw ng deadline:
·         Natapos na nomination form at mga dokumentong sumusuporta
·         Curriculum vitae lakip ang passport size photo

Mahalaga: magpadala ng elektronikong kopya ng natapos na nommnation form at CV na may larawan at ipadala sa ustfacultyunion@yahoo.com

Paalala: Ang mga nahuling nagpasa ay hindi na tatanggapin. Wala nang kailangang aplikasyon o nominasyon sa Gawad Benavides.

        
Sa mga katanungan, tumawag sa Tanggapan ng USTFU sa (02)7811821 o (02) 4061611 loc. 8353.


***

Isinalin nina Dr. Elmer Hibek at Assoc. Prof. Zendel M. Taruc
UST Kolehiyo ng Narsing
Mula sa Superbisyon ni Assoc. Prof. Susan N. Maravilla, Dekana