DANGAL NG UST
Ang ika-15 Taon
Ang "Dangal ng UST" ay nilikha upang parangalan ang mga guro ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST) na nakagawa ng mga natatanging kontribusyon sa mga layunin at adhikain ng Unibersidad sa pamamagitan ng kanilang mabubuting halimbawa sa larangan ng pagtuturo, pagsasaliksik at paglilingkod sa pamayanan.
Inaasahang sa pagkilala sa kanilang natatanging mga
katangian at kontribusyon, ang mga naturang guro ay
magsisilbing halimbawa at inspirasyon sa kanilang kapwa.
Ang taunang parangal na ito ay pinangangasiwaan ng UST at ng UST Faculty Union (USTFU).
***
Ang tropeo ng "Dangal ng UST" ay disenyo ni Kaw. Prop. Jaime D. Delos Santos, ang dating Dekano ng College of Fine Arts & Design. Ito ay nagsimulang ipamigay noong 2004.
Sa tropeong ito makikita si P. Miguel de Benavides, O. P., ang nagtatag ng Unibersidad ng Santo Tomas na hawak na paitaas ang bulaklak ng liryo bilang sagisag ng bokasyon at mga iskolastikong gawain ng mga Dominikano. Sinisimbulo rin ng bulaklak ng liryo ang kabusilakan at muling pagkabuhay.
***